Home NATIONWIDE Pagbasura sa Oil Deregulation Law, pagbuwis sa mga bilyonaryo, pinasasabatas ng Makabayan...

Pagbasura sa Oil Deregulation Law, pagbuwis sa mga bilyonaryo, pinasasabatas ng Makabayan Bloc

161
0

MANILA, Philippines – Dalawang panukalang batas na agarang makatutulong sa kinahaharap na krisis ang inihain sa Kamara ng Makabayan Bloc.

Layon ng House Bill 8766 na ibasura na ang Oil Industry Deregulation Act of 1998 habang ang HB No. 8123 ay nagsusulong na patawan ng wealth tax ang mga bilyonaryong Pinoy.

Iginiit ng Makabayan Bloc na kinabibilangan nina ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago at Kabataan Party-list Rep. Renee Co na dahil sa deregulated oil industry ay hindi namo-monitor ang pagtaas ng presyo ng langis at umiiral ang oil cartel.

“Hindi ito market forces lang kundi manipulasyon at pang-aabuso” giit ng mga mambabatas.

Mungkahi ng grupo na mainam na magkaroon na lamang ng Independent Petroleum Price Regulatory Council na syang magtatakda ng presyo upang maiwasan ang pagsasamantala.

Inihalimbawa nito ang insidente na agad nagtaas ng presyo ang mga oil companies nang pumutok ang tensyon sa Middle East gayong mayroon pa itong reserba.

“This measure will prevent oil companies from immediately raising fuel prices based on international rates even when they still have inventory purchased at lower prices” ayon sa Makabayan Bloc.

Samantala, ang hangarin ng HB No.8123 ay ipasa sa mga mayayaman ang dagdag pasanin sa oras na tumaas ang presyo ng langis.

Sa ilalim ng panukala ay papatawan ng annual tax ang mga indibiwal na ang net taxable assets ay lagpas sa P1 billion.

“1 percent on wealth above P1 billion, 2 percent above P2 billion, and 3 percent above P3 billion,”nakasad sa panukala.

Depensa ng Makabayan Bloc na tama lamang buwisan ang mga bilyonaryo na yumayaman pa kahit nasa national emergeny ang bansa.

“In 2022, the top 10 percent held around P40 trillion in wealth, more than double the combined wealth of the bottom 90 percent at around P15 trillion, while the top 1 percent held P17.9 trillion, nearly three times the combined wealth of the poorest 50 percent. Samantala, nananatiling mababa ang sahod at patuloy na kinukubkob ng presyo ang araw-araw na buhay ng milyun-milyon,” giit ng Makabayan Bloc.

Sa datos na ipinalabas ng IBON Foundation lumilitaw na makakalikom ang bansa P508 billion kada taon kung bubuwisan ang mga bilyonaryo at aabot naman ng P289 billion kung ang mga bubiwisan lamang ay ang 50 na pinakamayaman na mga Filipino.

Sinabi ng Ibon Foundation na kahit pa man buwisan taon taon ang mga bilyonaryo ay mapapanatili nito ang kanilang yaman. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here