Home NATIONWIDE VP Sara impeachment hearing, tuloy pa rin kahit may hirit na TRO...

VP Sara impeachment hearing, tuloy pa rin kahit may hirit na TRO – House Justice Committee

131
0

MANILA, Philippines – Tuloy pa rin ang pagdinig ng House Justice Committee sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa kabila ng petition for certiorari na inihain sa Korte Suprema.

Sa opisyal na statement na ipinalabas ng komite sinabi nito na wala pa silang natatanggap na kopya ng petisyon na inihain sa SC kaya naman hindi muna ito magbibigay ng anumang komento.

“As with any legal pleading involving the institution, we will study it carefully once it is formally served, and we will respond through the proper legal processes,” nakasad sa pahayag.

Sinabi ng komite na kinikilala nila ang SC bilang final arbiter kaya kung anuman ang kautusan nito ukol sa nasabing usapin ay kanilang susundin.

Gayunpaman, ipinunto ng komite na alinsunud sa Saligang Batas, ang House of Representatives ang siyang may solong hurisdiksyon sa impeachment case.

“The ongoing proceedings in the House Committee on Justice are part of this constitutional process”giit nito kung saan dumepensa din ang komite na ang proceeding na kanilang ginagawa ay nakasunod sa due process.

Iginiit ng komite na bagamat may nakabinbing petisyon sa SC ukol sa legalidad ng impeachment proceeding ay hindi ito hadllang para gawin ng komite ang kanilang tungkulin.

“Unless and until directed otherwise by the Supreme Court, the House will continue to perform its mandate,” ayon pa sa pahayag.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here