Home METRO P65.7-M ayuda ipinamahagi ng NHA sa mga biktima ng sunog sa QC

P65.7-M ayuda ipinamahagi ng NHA sa mga biktima ng sunog sa QC

168
0
(c) Danny Querubin

MANILA — Namahagi ang National Housing Authority (NHA) ng P65.72 milyong tulong pinansyal sa 2,331 biktima ng malawakang sunog sa kahabaan ng NIA Road, Barangay Pinyahan, Quezon City, sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP).

Pinangunahan nina NHA General Manager Joeben A. Tai at Quezon City Mayor Josefina Joy Belmonte ang pamamahagi ng cash grant noong Marso 26, 2026 sa Risen Garden, Quezon City Hall.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Tai na layunin ng tulong na matulungan ang mga benepisyaryo sa kanilang pagbangon at muling pagsisimula.

“Sa direktiba ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang aming ahensya ay agarang nagkaloob po ng tulong-pinansyal sa pamamagitan ng EHAP para makatulong ang sa inyong pagbangon at pagsisimulang muli,” aniya.

Sa kabuuang bilang ng mga benepisyaryo, 955 structure owners ang tumanggap ng tig-P40,000, habang 793 renters at 583 sharers ang nabigyan ng tig-P20,000.

Sumailalim sa screening at verification ang mga benepisyaryo gamit ang datos mula sa lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Nagpasalamat naman si Mayor Belmonte sa agarang pagtugon ng NHA sa mga biktima ng sunog.

Ang EHAP ay programang nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga pamilyang nawalan o nasira ang tahanan dahil sa mga sakuna upang matulungan silang makabangon at makapag-ayos ng kanilang tirahan.

Dumalo rin sa aktibidad sina NHA NCR-East Sector Officer-in-Charge Ar. Monn Alexander Ong, Quezon City Housing, Community Development and Resettlement Department Head Atty. Joselito V. Cornejo, Punong Barangay Ricardo Villaflor ng Pinyahan, at iba pang lokal na opisyal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here