Home OPINION BIR-30 BINONDO AT FFCCCII MAGLULUNSAD NG TAX FORUM SA MARCH 30

BIR-30 BINONDO AT FFCCCII MAGLULUNSAD NG TAX FORUM SA MARCH 30

145
0

MAYNILA, Pilipinas – Bilang bahagi ng kampanya para sa mas maayos na koleksyon ng buwis at pagsunod sa batas, nakatakdang magsagawa ng isang mahalagang Tax Forum ang Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue District Office (RDO) 30 Binondo sa darating na Marso 30, 2026.
Ang inisyatibong ito ay pina­mumunuan ni Revenue District Officer (RDO) Richard Go, sa pakikipagtulungan ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa ilalim ng pamumuno ni President Victor Lim.

Layunin ng forum na tipunin ang mga may-ari ng negosyo, mga accountant, at mga bookkeeper upang masiguro na ang kanilang mga operasyon ay fully compliant sa mga regulasyon ng pamahalaan. Ayon kay RDO Go, ang ka­alaman sa tamang proseso ang pinakamabisang depensa ng mga taxpayer laban sa mabibi­gat na multa at penalidad.

Upang matiyak na bawat ne­gosyante, maliit man o malaki ay ganap na makakaunawa sa mga komplikadong batas sa bu­wis, magsisilbing moderator ang kilalang “Agarang Serbisyo Lady” na si Dr. Hilda Ong. Si Dr. Ong ang magsisilbing tulay sa komunikasyon dahil isasalin niya sa wi­kang Tagalog at Fookien ang mga talakayan.

Ang hakbang na ito ay mahalaga para sa mga business owners sa Binondo upang wa­lang impormasyong mawala sa translation at maging malinaw ang bawat panuntunan ng BIR.

Kabilang sa mga tatalakayin ang mga sumusunod na krusyal na paksa:

* Early Filing ng Income Tax Return (ITR): Paalala sa nalalapit na deadline.

* Tax Mapping at Open Cases: Paglilinaw sa mga inspeksyon at hindi natapos na obligasyon.

* Closure at Invoices: Tamang proseso ng pagsasara ng ne­gos­yo at ang mga bagong uri ng invoice.

* Anti-Scam Awareness: Pa­ano matutukoy kung peke ang isi­nasagawang audit ng mga nagpapanggap na kawani ng BIR.

Digital Transformation

Sentro rin ng usapin ang mga digital transformation ng ka­wa­nihan, gaya ng online filing na layong gawing mas mabilis at transparent ang transaksyon sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor. Magkakaroon din ng pagkakataon ang mga dadalo na direktang makapagtanong sa mga BIR Supervisor at exami­ners upang linawin ang kanilang mga agam-agam.

Gaganapin ang forum sa Fe­deration Center (Ground Floor), Muelle de Binondo, Manila, mula 1:00 PM hanggang 3:00 PM. Inaasahang dagsain ito ng mga negosyante na nagnanais iayos ang kanilang mga record bago matapos ang tax season.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here