Home NATIONWIDE Negosasyon ng PH, China sa isyu ng South China Sea tuloy sa...

Negosasyon ng PH, China sa isyu ng South China Sea tuloy sa kabila ng krisis sa enerhiya

137
0

MANILA, Philippines – Tuloy pa rin ang mga negosasyon ng Pilipinas at China, pati na rin ng ASEAN at China, kaugnay sa isyu ng South China Sea sa kabila ng mga pagbabago sa in-person meetings dahil sa banta ng problema sa suplay ng langis.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Marso 27 na isinasagawa sa Quanzhou, China ang ika-24 na Philippines-China Foreign Ministry Consultations (FMC) at ang ika-11 na Bilateral Consultation Mechanism (BCM) meeting sa South China Sea.

Pinamumunuan ni DFA Undersecretary Leo Herrera-Lim ang delegasyon ng Pilipinas.

Ayon sa DFA, ang mga pulong ay mahalagang mekanismo para sa bukas na talakayan ng mga isyung bilateral at pag-uusap sa posibleng kooperasyon sa mga hindi sensitibong usapin.

Samantala, sinabi ng DFA ASEAN Affairs na tuloy ang pag-uusap ng ASEAN at China para sa Code of Conduct sa South China Sea.

Ayon sa kanila, maaaring paikliin ang ilang ASEAN meetings dahil sa national energy emergency, ngunit patuloy pa rin ang pagtuon sa mahahalagang isyu.

Dagdag pa ng DFA, layunin pa rin ng ASEAN at China na matapos ang Code of Conduct sa hinaharap, habang patuloy ang koordinasyon sa rehiyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here