Home ENTERTAINMENT Vice, ‘di bet mag-ampon ng baby!

Vice, ‘di bet mag-ampon ng baby!

146
0

Manila, Philippines – Sumalang sa truth or lie challenge si Vice Ganda nang maging panauhin siya sa vlog ni Kris Bernal.

Sinadya pa kasi ng aktres si Meme sa noontime show nito para makapanayam.

Ani Vice, wala raw sa plano nila ng partner na si Ion Perez ang mag-ampon ng baby.

Sa tanong naman kung ano ang mas importante sa kanya kung award o box office, aniya ay mas preferred daw niya ang huli sa una.

Katuwiran niya, mas bet daw niya ang kumita ang kanyang mga pelikula.

Dagdag pa niya, hindi raw maipambabayad sa mga gastusin ng produ ang kanyang award o trophy.

Gayunpaman, happy naman siya na both ay na-achieve ng kanyang last MMFF entry.

Nang usisain naman kung bet niyang kumandidato bilang senador, waley na waley daw ito sa plano niya.

Katunayan, mas bet daw niya ang maging beauty queen. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here