Home METRO Dose-dosenang pating, nakita sa mababaw na dagat sa Cebu

Dose-dosenang pating, nakita sa mababaw na dagat sa Cebu

119
0

CEBU, Philippines – Viral online ang video ng isang freediving guide sa Cebu matapos makuhanan ang paglangoy ng dose-dosenang pating sa mababaw na bahagi ng dagat sa Samboan.

Ayon sa Samboan tourism officials, normal lang ang presensya ng mga pating sa lugar, lalo na sa Colase Marine Sanctuary, kung saan madalas silang makita.

Dagdag pa nila, panahon talaga ngayon ng paglabas ng mga pating mula Marso hanggang Hunyo tuwing tag-init.

Ayon sa mga eksperto, ang blacktip reef sharks ay karaniwang makikita sa mababaw na dagat at coral reefs sa Indo-Pacific region, kabilang ang Pilipinas. Kumakain sila ng maliliit na isda, pusit, at crustaceans.

Sinabi rin ng isang marine science expert na hindi mapanganib ang mga pating na ito sa tao maliban kung ma-provoke, at wala ring kumpirmadong kaso ng pag-atake sa Pilipinas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here