Home NATIONWIDE Benepisyo sa sektor ng agrikultura, prayoridad ng Kamara

Benepisyo sa sektor ng agrikultura, prayoridad ng Kamara

144
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na hindi lamang ang imprastraktura ang inilalatag ngayon ng Malaking Kapulungan ng Kongreso kungdi higit sa lahat ay ang nauukol sa agrikultura na siyang magiging sandalan ng mga Pilipino anumang krisis ang dumating sa bansa.

Binigyang diin ito ngayon ni Dy sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan na siyang nagdudulot ng krisis sa bansa lalo na sa produktong petrolyo.

“Ang mga ito ay konkretong patunay na ang sakripisyo ng ating mga magsasaka ay hindi nasasayang—ito ay pinapahalagahan, pinapangalagaan, at pinapalakas,” ani Dy.

Binigyang diin ng speaker na higit kaninuman ay ang mga magsasaka ang tahimik na mga bayani na siyang tumitityak na sapat ang pagkain ng mga Pilipino.

“Sa bawat butil ng bigas at bawat ani, naroon ang kanilang pawis at pag-asa. Hindi sapat ang pasasalamat—kaya ang tugon ng pamahalaan ay aksyon,” he said.

He assured that the House will continue to support measures that expand agricultural infrastructure, improve post-harvest systems, and provide long-term support to farming communities.

“Kapag inangat natin ang buhay ng magsasaka, iniaangat natin ang buong bansa. At iyan ang patuloy nating ipaglalaban sa Kapulungan,” ayon kay Dy.

Dahil dito, sinisiguro ni Dy na walang magsasaka ang mapag-iiwanan sa isinusulong na pambansang agenda.

“Hindi ito ang huling hakbang—ito ang simula ng mas matibay na paninindigan na ang pamahalaan ay katuwang ng magsasakang Pilipino, ngayon at sa hinaharap.”

Nauna rito ay dinalaw at dinaluhan ni Dy ang inagurasyon ng postharvest facilities sa Isabela kasama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.na ayon sa speaker ay isang matibay na hakbang tungo sa pagiging produktibo at kita ng mga magsasakang Pilipino.

“Hindi lang po ito pagbubukas ng mga pasilidad—ito ay pagbubukas ng oportunidad para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga magsasaka at ng buong sambayanang Pilipino. Kitang-kita natin ang malinaw na direksyon ng Pangulo—ang agrikultura ay hindi pangalawa, kundi pangunahing haligi ng ating ekonomiya,” ani Dy.

Kinikilala rin ni Dy ang pagsisikaop ni Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. Sa pagpapatupad ng mga proyektong direktang magbibigay benepisyo sa mga magsasaka sa pamamagitan ng Ambatali Warehouse, isang pasilidad na mapapabilis ang post-harvest handling samantalang ang imbakan ng sibuyas ay magiging pasilidad upang hindi ito agad na mabulok at mapanatili ang matatag na suplay nito.

“Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, mas mapapabilis ang pagdadala ng ani mula bukid patungong pamilihan, mababawasan ang pagkalugi, at mas mapapahaba ang buhay ng kanilang produkto,” sinabi pa ni Dy. (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here