MANILA, Philippines – Ilagagay ng Department of Health (DOH) sa Code White Alert ang mga mga ospital bilang paghahanda para sa Semana Santa
Magsisimula ang Code White sa Marso 30 at magtatapos sa Abril 6, isang araw pagkatapos ng Pasko ng Pagkabuhay, ayon sa pahayag ng DOH nitong Biyernes.
Sa ilalim ng Code White, naka-standby palagi ang mga health emergency team, health commodities, at emergency room ng mga ospital ng DOH upang tumugon sa mga aksidente sa kalsada, pinsala, at emergency sa kalusugan.
Naka-alerto na rin ang mga istasyon ng transportasyon at ilang ahensya ng gobyerno para sa Holy Week exodus, kabilang ang Philippine Ports Authority (PPA) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Jocelyn Tabangcura-Domenden