Home NATIONWIDE LTFRB: 1,297 bus units binigyan ng special permits para sa Holy Week

LTFRB: 1,297 bus units binigyan ng special permits para sa Holy Week

138
0

MANILA, Philippines – Aabot sa 1,297 passenger buses sa buong bansa ang binigyan ng special permits ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang makapag-operate ngayong Holy Week.

Ayon kay LTFRB Chairperson Vigor Mendoza II, layunin nitong masiguro na may sapat na sasakyan para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero habang maraming Pilipino ang uuwi sa probinsya para sa taunang paggunita.

Giit ng LTFRB, normal ang pagdami ng pasahero tuwing panahong ito dahil bahagi ito ng isang mahalagang relihiyosong tradisyon sa bansa.

Inaasahan din ng ahensya na mas dadami pa ang sasakay sa pampublikong transportasyon dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, na nagtutulak sa iba na iwan ang pribadong sasakyan.

Inatasan din ng LTFRB ang mga regional director na tiyaking maayos at ligtas ang mga bus terminals, kabilang ang inspeksyon sa roadworthiness ng mga sasakyan at kalagayan ng mga driver.

Binigyang-diin ng ahensya na mahalaga ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero, at nagbabala ito laban sa mga terminal at operator na lalabag sa mga patakaran. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here