BATANGAS, Philippines – Dalawa ang naiulat na nasawi matapos na aksidenteng magbanggaan ang isang motorsiklo at pick up, kagabi sa Bypass Road Barangay Dumantay, Batangas City.
Ang dalawang biktima na kapwa dead on arrival sa Batangas Medical Center at Jesus of Nazareth Hospital na kinilala sa Alyas Jay, 36, helper at alyas Billy, 33, delivery driver, kapwa naninirahan sa Barangay Dumantay, Batangas City.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente dakong alas- 8:35 kagabi habang ang dalawang biktima na kapwa lulan ng Zusuki motorcycle nang biglang aksidente umanong makabanggaan nito ang isang Toyota Hilux Pick up na minamaneho ni Alyas Jerry 35, may-asawa, company driver, tubong Albay Bicol, at residente ng Barangay Luciano Trese Martirez, Cavite.
Napag-alaman na ang mga nasawing biktima ay magkaangkas sa motorsiklo na kasalukuyang tinatahak ang Crossing ng Bypass Road kung saan patungong Barangay Paharang West, galing sa Barangay Gulod Itaas nang aksidente umanong mabangga ang kaliwang bahaging unahan ng Toyota Hilux Pick up na patungong Barangay San Pedro, galing ng Barangay Sampaga ng nabanggit na lalawigan.
Samantalang patuloy ang imbestigasyon sa naganap na insidente at inaalam pa ang halaga ng mga napinsalang mga naturan sasakyan. /Ellen Apostol