Home NATIONWIDE P611M narekober sa restitution process sa anomalya sa flood control project –...

P611M narekober sa restitution process sa anomalya sa flood control project – DOJ

109
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa P611 milyon ang naibalik na pondo ng bayan ng mga nasangkot sa anomalya sa flood control projects, ayon kay acting Justice Secretary Fredderick Vida.

“As for now, ang data namin, ‘yung pagbawi natin sa pera natin no, ‘yung recovery of the people’s money, nasa 611 milyon [pesos] na po ang nababawi ng Department of Justice [in] total. So, we continue to try,” sinabi ni Vida sa panayam ng ABSCBN News.

Nauna nang nagbalik ng mga pera sina dating public works officials Roberto Bernardo, Henry Alcantara at Gerard Opulencia, at contractor na si Sally Santos na ikinokonsiderang mga state witness.

Sa ngayon, patuloy na bubusisiin ang mga dokumento na ipinasa ng Independent Commission for Infrastructure at ipoproseso ang mga ito “to make it parallel with our ongoing investigations”.

“Lahat nung natapos na namin na preliminary investigations, we’ve already transmitted it and transferred it to the Office of the Ombudsman for final approval. Kasi pag in-approve ‘yun ng Ombudsman, ipa-file na as information,” ani Vida.

Samantala, sinabi rin ni Vida na sa susunod ay ipapasa na sa Ombudsman ang resolusyon ng plunder at graft complaint na inihain laban kay Senador Jinggoy Estrada at dating Public Works Secretary Manuel Bonoan.

Noong Marso 12, kinumpirma ng DOJ na inihain na ng National Bureau of Investigation ang reklamong graft at plunder laban kina Estrada at Bonoan sa umano’y kaugnayan sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

“The final approval will be with the Office of the Ombudsman,” aniya.

Siniguro naman ni Visa sa publiko na mas marami pang kaso ang maisasampa at mapananagot ang mga tiwaling indibidwal sa flood control scandal.

“Talaga lang po may proseso na pinagdadaanan. Pero sa lalong madaling panahon, magpa-file na ho ng mga iba’t iba pang kaso para mapanagot ang dapat managot.”

“Definitely, the Philippine government is exploring all avenues para mapanagot. Hindi lang si Congressman Zaldy Co, kundi lahat ng dapat managot. Lahat naman kailangan pumailalim sa hurisdiksyon ng ating mga korte,” dagdag pa ni Vida. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here