Home NATIONWIDE Pilipinas committed sa mas mapayapang paraan sa WPS

Pilipinas committed sa mas mapayapang paraan sa WPS

102
0

MANILA, Philippines — Pinagtitibay ng Pilipinas ang isang multi-layered strategy kasama ang mga kaalyado upang ipagtanggol ang karapatan nito sa West Philippine Sea (WPS), habang nananatiling nakatuon sa mapayapang paraan sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon.

Sa isang forum na inorganisa ng Stratbase Institute at Embassy of Japan, sinabi ng mga opisyal na patuloy na inaangkla ng bansa ang aksyon nito sa diplomasya, batas, at kooperasyong panseguridad.

Binigyang-diin ni AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. na nananatiling gabay ang 2016 arbitral ruling sa ilalim ng UNCLOS na kumontra sa malawak na claim ng China sa South China Sea.

“Ang ating hakbang ay nakatuon sa legal at transparent na paraan, hindi sa pag-escalate ng tensyon,” aniya.

Bahagi rin ng estratehiya ang pagpapalakas ng ugnayang panseguridad sa mga kaalyado tulad ng Estados Unidos at Japan, kabilang ang joint patrols, military training, at interoperability efforts.

Ayon kay Stratbase Institute president Victor Andres Manhit, mahalaga ang “strategic clarity” at tuloy-tuloy na koordinasyon sa mga demokratikong bansa upang mapanatili ang katatagan sa Indo-Pacific.

Samantala, sinabi ni Philippine Coast Guard Commandant Adm. Ronnie Gil Gavan na araw-araw ang hamon sa WPS, kung saan patuloy nilang ini-escort ang mga mangingisdang Pilipino, mino-monitor ang mga dayuhang barko, at tumutugon sa insidente sa dagat.

Ibinahagi rin niya ang mga naitalang kaso ng harassment at obstruction, na nagpapakita ng pangangailangan ng mas matibay na presensya ng mga kaalyado.

Para naman kay dating Supreme Court Justice Antonio Carpio, mahalaga ang joint naval operations upang patatagin ang legal na panalo ng Pilipinas at ipakita ang pandaigdigang pagkilala sa exclusive economic zone ng bansa.

Sa kabila nito, pinananatili ng pamahalaan ang balanse sa pagitan ng pagpigil sa sigalot at matibay na paninindigan sa soberanya.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inaasahan ang “malalim na restructuring” ng relasyon ng Pilipinas at China.

Samantala, iginiit ng Chinese Embassy na may “positive progress” sa usapin ng joint oil and gas exploration sa South China Sea.

Patuloy ang Pilipinas sa pakikipagtulungan sa mga kaalyado upang maprotektahan ang teritoryo, likas-yaman, at kapayapaan sa WPS. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here