Home NATIONWIDE Pananambang sa 5 pulis sa Maguindanao del Sur kinondena ng PNP

Pananambang sa 5 pulis sa Maguindanao del Sur kinondena ng PNP

103
0

MANILA, Philippines – Kinondena ng Philippine National Police ang pag-ambush sa mga tauhan nito sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur, kung saan limang pulis ang nasawi at tatlo ang sugatan.

Sa pahayag, sinabi ng PNP na ang mga miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force Company ay inatake ng hindi pa tukoy na mga armadong suspek habang pauwi ang mga ito sa kanilang detachment matapos magpatrolya at magsagawa ng police visibility operations.

Inilarawan ng mga awtoridad ang pag-atake bilang “senseless and cowardly” act at direct assault sa law enforcement.

Agad na dinala sa ospital ang mga sugatang tauhan at kasalukuyang ginagamot.

Sinabi ni PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr. na naglunsad na ng hot pursuit operations sa pakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines para matukoy at maaresto ang mga suspek.

“This heinous act is a direct threat to peace and order,” sinabi ni Nartatez sabay pagsisiguro na ginagawa ng PNP ang lahat para maibigay ang hustisya sa mga biktima.

Nakiramay din ang PNP sa pamilya ng mga nasawing tauhan.

“We will not waver. This attack will not go unanswered. Justice will be swift, certain, and uncompromising,” sinabi ni Nartatez. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here