Home NATIONWIDE Mas maraming bypass road bubuksan sa pagbawas sa epekto ng oil price...

Mas maraming bypass road bubuksan sa pagbawas sa epekto ng oil price hike

126
0

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magbukas pa ng mas maraming bypass roads upang makatulong sa pagtitipid ng gasolina sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, bukod sa pagtitipid sa gasolina, makatutulong din ang mga bypass road sa pagpapabilis ng biyahe at delivery ng serbisyo.

Kamakailan lamang binuksan ang Lipa–Padre Garcia Bypass Road sa Batangas, na magsisilbing alternatibong ruta sa Manila-Batangas Road at Lipa-Rosario Road upang mabawasan ang trapiko sa Lipa City.

“Malaking ginhawa ito—malaking bawas sa trapiko at konsumo ng gasolina,” ani Dizon.

Kasabay nito, iniutos din ng Pangulo ang pagpapabilis ng konstruksyon ng farm-to-market roads (FMR) upang mapadali ang transportasyon ng mga produktong agrikultura.

Sa Davao del Norte, inaasahang mapapaikli ng 15 minuto ang biyahe mula Barangay New Casay patungong Dujali kapag natapos ang natitirang bahagi ng FMR project.

Dagdag pa ni Dizon, malaki ang maitutulong ng proyekto sa mga magsasaka dahil mababawasan ang gastos sa transportasyon at mas mapapabilis ang pagdadala ng ani sa pamilihan.

Tiniyak din ng DPWH na aayusin ang mga kulang na drainage at flood control systems upang maprotektahan ang kabuhayan ng mga residente.

Sa kabuuan, layunin ng pamahalaan na mapagaan ang epekto ng oil price hike sa pamamagitan ng mas maayos na daloy ng trapiko at mas episyenteng transportasyon sa bansa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here