MANILA, Philippines – Nag-ambagan gamit ang sahod ang alkalde at siyam na konsehal ng munisipalidad ng Pandi, Bulacan para sa buwan ng Marso at Abril.
Kasunod nito ay nakabuo sila ng mahigit P1.5 milyon na gagamitin para ipambili ng tig-10 kilo ng bigas na ipamamahagi sa 4,000 transportation sector workers.
Layon nitong mabigyan ang mga tricycle, jeepney at transport network vehicle service (TNVS) drivers na naaapektuhan nang malubha dahil sa tensyon sa Middle East.
Sa ulat, pinagsama-sama nina Mayor Enrico Roque at siyam na konsehal ang kanilang sahod para sa relief drive.
Nitong Biyernes ay nasa 2,000 benepisyaryo na ang nakatanggap ng rice packs sa Barangay Siling Bata.
Nakatakda namang magbigay ng cash at food support ang lokal na pamahalaan ng Pandi sa mga drayber na mayroong professional licenses na inisyu ng Land Transportation Office (LTO) at accredited ng munisipyo. RNT/JGC