Home METRO Pekeng dentista, arestado

Pekeng dentista, arestado

122
0

SOLANO, Nueva Vizcaya – Arestado ng otoridad ang isang nagpapanggap o pekeng dentista sa Solano, Nueva Vizcaya.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga operatiba ng CIDG Nueva Vizcaya PFU, RMDU2-NVPMDT, Solano MPS at Philippine Dental Association Nueva Vizcaya–Ifugao Dental Chapter ay isinagawa ang operasyon na nagbunga sa pagkaka-aresto ng suspek na si alyas Ricky, nasa wastong gulang at residente sa naturang probinsya.

Nakumpiska sa pinaghihinalaan ang kaniyang mga kagamitan at aparato na ginamit sa kanyang pagpapanggap na nag-ugat sa suplong ng ilan na itoy nagsasagawa ng dental acitivities sa kabila ng kawalan ng lisensiya bilang isang ganap na dentista.

Sa isinagawang beripikasyon ng Professional Regulations Comission ay napatunayang walang lisensiya at hindi ito isang ganap na dentist na hindi rin miyembro ng PDA.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 9484 o Philippine Dental Act of 2007. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here