Home OPINION PRESYO NG MGA ABNORMAL

PRESYO NG MGA ABNORMAL

144
0

NITONG Marso 20, 2026, inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na maraming pabrika ng pagkain ang nangakong hindi sila magtataas ng presyo ng mga pagkain na delatang karne, isda at gulay, tubig, kape, instant noodles at iba pa sa loob ng 30-60 araw dahil marami umano silang stock para rito.

Ang mga nasabing araw ay hanggang Abril 16 para sa 30 araw at hanggang Mayo 16 naman ang para sa 60 araw.

Hindi pa natutuyo ang laway ng Pangulo, andiyan na ang balita na may magtataas na simula sa Abril 1 dahil hindi umano nila maiwasan ang paggamit ng langis sa produksyon, kasama ang transportasyon na lumalamon ng malaking langis at nagbubunga ng malaking gastos.

Pitong pabrika o manufacturer ang nagsabing magtataas sila.

Dahil dito, nagsabi na rin ang supermarkets group na kailangan din nilang magtaas ng presyo para ma mabawi nila ang pagtataas ng presyo ng mga manufacturer o pabrika.

Tanungin pa ninyo si Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. President Steven Cua.

Mabuti kung ganyan lang ang mangyayari.

Pagdating ng mga produkto sa mga sari-sari store sa mga barangay, anak ng tokwa, magtataas din sila ng presyo dahil matapos silang bumili sa pinamahal na mga produkto sa mga supermarket, may transportasyon din silang gamit para maiuwi ang mga kalakal at itinda.

PAGTAAS NG PRESYO GAANO KALAKI?

Pagdating sa nakaplastik na tubig, sabi ng mga taga-supermarket, mga Bro, P5 lang naman ang itataas ng kada gallon na malalaki at P.25-P.50 para sa 500 ml, 350 ml, and 1 liter.

Eh .yang mga sinardinas kaya ng karneng baka, baboy, manok at gulay o beans, yang mga noodles, kape at iba pa?

Paano ang presyuhan pagdating sa mga sari-sari store?

Para sa malalapit sa malalaking grocery at supermarket, hindi nila gaanong mararamdaman ang pagtataas ng mga presyo dahil maglalakad lang sila para bumili.

Pero kung gagamit sila ng sasakyan dahil hindi nila kayang bitbihin sa bigat ang mga bibilhin nila, may dagdag na gastos na sila sa napakamamahal ngayong diesel o gasolina na konsumo ng mga sasakyan.

Paano naman ang mga taga-barangay na malalayo na tiyak na mamasahe o gagamit ng mga sasakyan patungo sa mga supermarket?

Bukod sa gastos sa diesel at gasolina, naririyan pa ang parking fee na hindi pinalalampas ng mga supermarket o parking boy ng mga local government unit.

Ang mga sari-sari store, tiyak na roon mararamdaman din ang tas-presyo dahil sa gastos sa transportasyon.

Pagdating sa mga fresh na isda, karne at gulay na nagmahal na rin ngunit ipinararating sa mga bahay-bahay sa pamamagitan ng mga traysikel, alam ba ninyo ng presyuhan?

May patong nang P50 sa mahal nang puhunan at dahil binabawi rin nila ang mga gastos sa gasolina at parking fee sa mga palengke.

PRESYO NG MGA ABNORMAL

Sinasabi ng gobyerno na normal lahat at walang dapat mabahala dahil sa mga pangako ng mga manufacturer na hindi sila magtataas ng presyo.

Hindi kaya abnormal ang mga nagsasabi niyan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here