Home METRO Mayon nasa ika-83 araw nang patuloy na pagsabog

Mayon nasa ika-83 araw nang patuloy na pagsabog

126
0

ALBAY, Philippines – Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nakapagtala ng minor Strombolian eruptions ang Mayon Volcano noong Linggo, March 29.

Ayon sa ahensya, naganap ang mga pagsabog bandang 12:30 a.m. at 6:46 a.m., na nagbuga ng abo na umabot sa taas na 500 metro bago tinangay ng hangin pa-southwest.

Patuloy pa rin ang effusive eruption ng bulkan sa loob ng 83 araw, kung saan may lava flow, pagguho ng bato, at pyroclastic density currents o “uson.”

Nananatili sa Alert Level 3 ang Mayon Volcano, na nangangahulugang may mataas na antas ng aktibidad at posibilidad ng mas mapanganib na pagsabog.

Mahigpit na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok sa loob ng 6-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa banta ng lava flow, ashfall, at biglaang pagdaloy ng mainit na abo at bato.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad para sa kanilang kaligtasan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here