Home METRO Higit 13,000 pulis idineploy sa Central Luzon para sa Holy Week

Higit 13,000 pulis idineploy sa Central Luzon para sa Holy Week

115
0

PAMPANGA, Philippines – Nag-deploy ang Philippine National PolicePolice Regional Office 3 ng mahigit 13,000 personnel sa Central Luzon bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga biyahero, deboto, at turista ngayong Holy Week.

Mula sa orihinal na 2,000 tauhan, pinalaki ang deployment upang masigurong ligtas ang publiko sa mga simbahan, lansangan, at iba pang lugar na dinarayo.

Simula March 30, inilagay na sa full alert status ang PRO-3 upang matiyak ang maximum police visibility at mabilis na responde sa anumang insidente.

Naglagay rin ang pulisya ng foot at mobile patrols, assistance desks sa simbahan at terminals, at road safety marshals para sa trapiko.

Layunin nito na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan habang dumarami ang tao sa SUMVAC (Summer Vacation) 2026.

Patuloy ang paalala ng pulisya sa publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan upang maging ligtas ang paggunita ng Holy Week. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here