Home HOME BANNER STORY Medialdea, naka-confine sa ospital; sasailalim sa medical procedure

Medialdea, naka-confine sa ospital; sasailalim sa medical procedure

138
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senator Christopher Bong Go na naospital si Salvador Medialdea, executive secretary ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, at sasailalim sa isang medical procedure.

Sa isang Facebook statement, nanawagan si Go sa publiko na ipagdasal ang dating executive secretary.

“Nananawagan si Senator Bong Go sa mga kababayan natin na sama-sama tayong manalangin na maging matagumpay ang medical procedure ni dating Executive Secretary Salvador,” ayon sa kanyang opisina.

Hindi naman tinukoy kung anong uri ng procedure ang gagawin kay Medialdea.

Ayon kay Go, isinugod sa ospital si Medialdea matapos makaramdam ng hindi magandang pakiramdam habang nagbibigay ng mensahe sa isang event sa Davao City noong Sabado Marso 28.

Hindi na niya natapos ang kanyang talumpati dahil agad siyang dinala sa ospital.

“Ipagdasal po natin ang kalusugan ni Former ES (executive secretary) Medialdea,” dagdag ni Go.

Matatandaang naospital din si Medialdea sa The Hague noong March 2025 kung saan siya sumailalim sa heart procedure.

Sa kasalukuyan, bahagi siya ng legal team ni Rodrigo Duterte na nahaharap sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here