Home METRO 500 PDL mula Bilibid, matagupmay inilipat sa Iwahig sa Palawan

500 PDL mula Bilibid, matagupmay inilipat sa Iwahig sa Palawan

125
0

PALAWAN, Philippines – Dumating noong Linggo, Marso 29 sa Iwahig Prison and Penal Farm ang 500 persons deprived of liberty (PDLs) na inilipat mula sa New Bilibid Prison noong Biyernes, Marso 27.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., sila ang unang tumira sa bagong tayong dormitoryo sa pasilidad, na kayang maglaman ng hanggang 1,000 PDLs.

Sinabi ni Catapang na ang bagong dormitoryo ay isang “state-of-the-art facility” at bahagi ng layunin na mapabuti ang kalagayan ng mga bilanggo sa pamamagitan ng mas ligtas, malinis, at maayos na tirahan.

Dagdag pa niya, ang patuloy na paglilipat ng mga PDL mula sa Bilibid ay para mabawasan ang siksikan, mapantay ang distribusyon ng mga bilanggo, at mapalakas ang seguridad.

Aabot pa sa 7,500 PDL ang planong ilipat sa iba’t ibang kulungan at penal farm upang ma-decongest ang Bilibid, bilang paghahanda sa planong gawing government center ang lugar pagsapit ng 2028. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here