Home NATIONWIDE Pinay OFW sa Thailand inaresto sa kasong may kaugnayan sa kaniyang sanggol

Pinay OFW sa Thailand inaresto sa kasong may kaugnayan sa kaniyang sanggol

160
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na isang Filipina overseas Filipino worker (OFW) ang kasalukuyang nakadetine sa Thailand dahil sa kasong may kinalaman sa kanyang sanggol.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, nakausap na ng pamahalaan ang OFW at nabigyan na ito ng abogado para sa tamang legal na tulong.

Hindi ibinunyag ni Cacdac ang eksaktong dahilan ng pagkakaaresto ngunit sinabi niyang may “circumstance” ito kaugnay ng OFW at ng kanyang baby.

“Hindi muna ako magbibigay ng detalye. Basta meron lang circumstance tungkol sa kanya at sa kanyang sanggol. Gano’n muna. Ayoko rin magsiwalat ng detalye kasi kasama ito sa potential na legal assistance na ibigay natin sa kanya sa legal defense na ibibigay natin,” ani Cacdac.

Nakipag-ugnayan na rin ang Philippine embassy sa Thailand, kasama ang labor attaché at welfare officer, upang bantayan ang kalagayan ng OFW.

“Nandoon ang ating labor attaché at welfare officer naman. Nakausap na siya virtually, video call, at nasa maayos naman siyang sitwasyon. However, under detention nga at may kaso,” dagdag niya.

Tiniyak ng DMW na may abogado na tutulong sa kanyang depensa at patuloy na mino-monitor ang kanyang kalagayan habang nakakulong.

“May abogado tayong tutulong sa kanya to put up the best legal defense. At the same time, iyong kapakanan niya under detention ay mino-monitor din natin,” aniya.

Dagdag pa niya, bibisitahin siya nang personal sa susunod na linggo, habang sa ngayon ay maayos naman ang kanyang kalagayan base sa video call.

Patuloy na mino-monitor ng pamahalaan ang sitwasyon habang nagbibigay ng legal at welfare support sa OFW. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here