Home METRO Lalaking may baril at droga, timbog sa Oplan Sita sa Cavite

Lalaking may baril at droga, timbog sa Oplan Sita sa Cavite

173
0

MANILA, Philippines -Isang lalaki ang dinakip ng Imus Component Police Station makaraang makuhanan ito ng baril at droga sa isang Oplan Sita sa Barangay Anabu 2C, Imus City, Cavite.

Ayon sa nakalap na report mula sa hepe ng pulisya na si PLTCOL Chey Chey Saulog, kinilala ang suspek na si alias Melio, 38 taong gulang, construction worker at residente sa nasabing lungsod.

Batay sa ulat, bandang alas-3:30 ng hapon nang masita sa kahabaan ng Anabu Coastal ang motor na gamit ng suspek at nang bumaba ay dito na napansin ang nakabukol sa tagiliran ng suspek na isang kalibre 38 revolver, limang (5) bala na baril at droga na may timbang na .08 gramo.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Republic Act 9165 o (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here