MANILA, Philippines – Kahit naka-bakasyon ay magdaraos ng mga pagdinig ang Malaking Kapulungan ng Kongreso upang mapag-usapan ang solusyon sa krisis sa bansa dulot ng tensyon sa Middle East.
Inatasan ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang iba’t ibang komite na magsagawa ng mga pagdinig upang pag-isahin ang aksyon ng pamahalaan at makabuo ng komprehensibong tugon sa krisis upang mapanatili ang katatagan ng ekonomiya ng bansa ay makapagbigay ng ginhawa sa mga Pilipino.
Nauna rito ay nanawagan si Navotas rep. Toby Tiangco na magsagawa ang Kongreso ng Speacial Session upang makapaglatag ang pamahalaan ng mga hakbangin kung paano mababawasan ang epekto ng krisis sa mga Pilipino.
“We are holding these joint hearings to make sure that the initiatives of the Legislative branch are coordinated with the Executive and are properly targeted and forward-looking. Ang kailangan natin ngayon ay malinaw na plano—hindi lang para sa ngayon, kundi para sa mga susunod na buwan at taon,” binigyang diin ni Dy.
Ang pagdinig ng komite ay isasagawa kahit nakabakasyon ang Kongreso ngayong Abril kung saan matatalakay ang krisis, enerhiya, pagkain, trabaho, transportasyon at ekonomiya.
“The objective of these hearings is to work with our partners in the Executive to identify solutions, not point fingers. We want to hear directly from our economic managers and frontline agencies so we have the information we need to come with measures that can help our people cope with the impact of the Middle East conflict.”
Kabilang sa nakatakdang magsagawa ng joint hearings ay ang committee on Energy (Rep. Jose Alvarez), Agriculture (Rep. Wlfrido “Mark” Enverga), Aquaculture and Fisheries (Rep. Tsuyohoshi Anthony “Hori” Horibata), Foreign Affairs (Deputy Speaker Maria Rachel Arenas), Ways and Means (Rep. Miro Quimbo), Labor and Employment (Rep. Ramon Jolo Revilla III), Transportation (Rep. Franz Pumaren), Information and Communications Technology (Rep. Miguel Luis Villafuerte), Economic Affairs (Rep. Antonio Legarda Jr.), at Social Services (Rep. Cheeno Miguel Almario).
Ipinaliwanang ni Dy na anuman ang maging resulta ng mga pagdinig ay gagamitin ito ng Kamara para lalong suportahan ang ehekutibo at lehislatibo nang mabawasan ang krisis dulot ng tensyon sa Middle East at epektibo nito maging sa pamilya ng maraming Pilipino.
“Hindi natin kontrolado ang nangyayari sa labas ng bansa, pero kontrolado natin kung paano tayo tutugon sa mga hamong ito. Ang mahalaga, handa tayo, mabilis tayo, at sama-sama tayo sa paghahanap ng solusyon.” Meliza Maluntag