Home NATIONWIDE Caritas Manila naka-red alert sa epekto ng digmaan sa Middle East

Caritas Manila naka-red alert sa epekto ng digmaan sa Middle East

133
0

MANILA, Philippines – Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa mga mananampalatayang sumuporta sa Alay Kapwa 2026 Damayan Telethon, katuwang ang Radyo Veritas.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila, ang telethon ay napapanahon dahil sa krisis na dulot ng digmaan sa Gitnang Silangan, na labis na nakaapekto sa pinakamahihirap, kabilang ang mga minimum wage earner na maaaring mawalan ng trabaho dahil sa ekonomiyang krisis.

“Ang digmaan sa Gitnang Silangan ay dapat nang matapos dahil apektado ang buong mundo. Ang palaging biktima nito ay ang mahihirap, na unang magugutom kapag tumaas ang presyo ng bilihin,” ani Fr. Pascual sa panayam ng Radyo Veritas.

Dahil sa epekto ng digmaan, inaasahan ang pagtaas ng bilang ng mga malnourished at mahihirap.

Naka-red alert ang Caritas Manila, na kasalukuyang nagbibigay ng ayuda tulad ng gift certificates sa mga nangangailangan.

Ayon sa ulat, 20% ng populasyon ang kabilang sa pinakamahihirap, na lubos na naaapektuhan ng gutom tuwing may kalamidad.

Ang Alay Kapwa ay taunang programa ng simbahan para sa mga biktima ng kalamidad, natural man o gawa ng tao, tulad ng digmaan.

Ayon kay Fr. Pascual, mahalaga ang agarang aksyon upang matulungan ang mga mahihirap na lubos na naapektuhan ng oil crisis na dulot ng digmaan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here