Home NATIONWIDE 1.3M pasahero, babiyahe sa NAIA sa Holy Week break

1.3M pasahero, babiyahe sa NAIA sa Holy Week break

140
0

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa mahigit 1.3 milyong pasahero ang bibiyahe mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Semana Santa, sa kabila ng nakaambang pagtaas ng pamasahe dulot ng pagmahal ng fuel surcharge.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), mas mataas ang bilang ng mga pasahero kumpara noong nakaraang taon, at nagsimula na ang dagsa ng mga biyahero mula pa noong Sabado.

Sinabi ni MIAA General Manager Eric Ines na may ilang pasahero na huling oras na bumili ng tiket kaya hindi pa lubos nararamdaman ang epekto ng pagtaas ng presyo.

Inaasahang itataas sa Level 8 ang fuel surcharge mula Abril 1 hanggang 15, na maaaring umabot sa higit P6,000 para sa international flights, at posibleng mas tumaas pa.

“We might reach Level 15. We can’t say for sure. But it’s possible because the price of jet fuel continues to rise. That surcharge, just to clarify, is not part of the base fare,” dagdag niya.

Sa kabila nito, tiniyak ng Philippine Airlines at Cebu Pacific na sapat ang kanilang jet fuel supply para sa susunod na tatlong buwan. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here