Home NATIONWIDE NPA, pinagninilay-nilay ng kasundaluhan sa Semana Santa

NPA, pinagninilay-nilay ng kasundaluhan sa Semana Santa

140
0

TACLOBAN CITY — Nanawagan ang Philippine Army 8th Infantry Division (8ID) sa mga natitirang miyembro ng New People’s Army (NPA) na magnilay ngayong Semana Santa at isaalang-alang ang pagtalikod sa armadong pakikibaka tungo sa kapayapaan.

Sa pahayag nitong Lunes, sinabi ng 8ID na ang landas ng armadong tunggalian ay nagdudulot ng pagkakahiwalay at pagkawala, habang ang pagpili ng kapayapaan ay nagbubukas ng oportunidad para sa pagkakasundo, katatagan, at mas makabuluhang kinabukasan.

“We defend our communities from threats of violence so that peace and development may prevail,” ayon sa 8ID.

Ayon pa sa Army sa Eastern Visayas, kaisa ito ng mga Pilipinong naghahangad ng kapayapaan sa pagtataguyod ng lipunang nakabatay sa hustisya, malasakit, at pangmatagalang kapayapaan ngayong Semana Santa.

Muling kinondena ng 8ID ang umano’y mga paglabag na iniuugnay sa NPA, kabilang ang pangingikil, pananakot, pagrerekrut ng menor de edad, at karahasang nakaapekto sa mga komunidad.

“Far from liberating the people, their so-called struggle has brought destruction, fear, and disruption to livelihoods in many barangays,” ayon sa pahayag.

Binigyang-diin din ng 8ID na ang armadong pakikibaka ay “futile and self-defeating,” at itinuro ang patuloy na operasyon ng militar at pambansang hakbang na nagpahina sa impluwensya ng grupo sa Eastern Visayas.

Dagdag pa nito, ipinapakita ng mga pagbabagong ito ang lumalakas na pagtanggi ng mga komunidad sa karahasan, kasabay ng pagbabalik-loob ng mga dating rebelde sa ilalim ng mga programa ng pamahalaan. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here