Home NATIONWIDE P42.17M tobats, 120 suspek, arestado sa 1-linggo ng PDEA

P42.17M tobats, 120 suspek, arestado sa 1-linggo ng PDEA

186
0

MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga awtoridad ang aabot sa P42.17 milyong halaga ng ilegal na droga at naaresto ang 120 suspek sa magkakasunod na operasyon sa buong bansa mula Marso 19 hanggang 26, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency nitong Lunes.

Iniulat ni PDEA Director General Isagani Nerez na umabot sa 88 operasyon ang isinagawa sa naturang panahon.

“All our efforts were anchored on the mandate of President Ferdinand R. Marcos Jr. to suppress the demand for illegal drugs and to build a drug-free, compassionate Bagong Pilipinas (New Philippines),” aniya.

Kabilang sa mga nasamsam ang 2,024.33 gramo ng hinihinalang shabu, 57,434 tanim ng marijuana, 138,477 gramo ng tuyong dahon ng marijuana, 10,000 punla ng marijuana, at 2,525 gramo ng tangkay nito.

Sa kabuuang bilang ng mga naaresto, 69 ang tinukoy na tulak ng droga, habang 11 ang hinihinalang nagpapatakbo ng drug den.

Haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Ang mga nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya na ng pamahalaan para sa forensic examination at gagamitin sa paglilitis sa korte, ayon sa PDEA. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here