MANILA, Philippines – Naging sentro ng paggunita ang Liwasang Balagtas sa Pandacan, Maynila nitong Martes, Marso 31, para sa ika-238 kaarawan ni Francisco Balagtas Baltazar.
Pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang programa na may alay-bulaklak at pampublikong talakayan tungkol sa ambag ng makata sa paghubog ng identidad ng mga Pilipino.
Ayon sa mga historyador, nananatiling mahalaga ang impluwensya ni Balagtas matapos niyang isulat ang Florante at Laura, na itinuturing na pundasyon ng panitikang Pilipino at kasaysayang mapagpalaya. RNT/MND