Home METRO BARMM bumuo ng task force laban sa epekto ng oil crisis

BARMM bumuo ng task force laban sa epekto ng oil crisis

140
0

COTABATO CITY, Philippines – Bumuo ng inter-agency task force ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang bantayan ang epekto ng oil crisis sa mga komunidad sa rehiyon.

Ayon kay interim Chief Minister Abdulraof Macacua, itinatag ang Bangsamoro Oil Crisis Impact Task Force (BOCITF) upang maiwasan ang pananamantala ng mga negosyante at matugunan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa kabuhayan ng mga tao.

Sinabi niyang ito ay alinsunod sa direktiba ni Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng EO No. 110 na nagdeklara ng state of national energy emergency sa bansa.

Nabuo ang hakbang matapos ang serye ng cabinet meetings upang suriin ang epekto ng global oil crisis at maglatag ng mga solusyon.

Batay sa ulat ng Ministry of Environment and Natural Resources and Energy (MENRE), wala umanong overpricing sa mga gasolinahan sa rehiyon at sumusunod ang mga ito sa tamang presyo.

Ayon sa MENRE, araw-araw nilang mino-monitor ang mga gas station sa limang lalawigan at isang Special Geographic Area upang matiyak na hindi naloloko ang mga konsyumer.

“The monitoring forms part of MENRE’s oversight of the downstream oil and gas industry in the Bangsamoro region,” the agency said.

“It also supports the nationwide fuel price monitoring conducted by the Department of Energy to promote transparency, fair competition, and consumer protection,” it added.

“Prompt, coordinated, evidence-based, and time-bound actions are necessary to mitigate the socioeconomic impact of the oil crisis, stabilize essential public services, and protect vulnerable sectors,” Macacua said.

Ang BOCITF, na pinamumunuan ni Macacua, ang magiging pangunahing ahensya sa pag-aaral ng krisis at pagrekomenda ng agarang, panggitna, at pangmatagalang solusyon.

Kabilang sa mga gawain nito ang pag-monitor ng galaw ng presyo ng langis, pagsusuri ng epekto nito sa transportasyon, supply ng pagkain, at mahahalagang serbisyo, at pagrekomenda ng mga hakbang tulad ng fuel conservation, targeted subsidies, at social protection programs.

Inaatasan din ang task force na suriin ang mga polisiya sa pag-import ng langis at alamin kung kinakailangan nang magdeklara ng regional state of emergency. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here