Home METRO Manhunt, inilunsad ng PNP sa mga salarin sa ambush sa Lanao del...

Manhunt, inilunsad ng PNP sa mga salarin sa ambush sa Lanao del Sur

108
0

MANILA, Philippines – Naglunsad ng manhunt ang Philippine National Police (PNP) nitong Martes laban sa mga armadong lalaki na pumatay sa isang pulis at kanyang kasama sa Lanao del Sur.

Ayon sa PNP, naglabas na ng direktiba sa mga ground commander, lalo na sa Police Regional Office sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), upang tukuyin at arestuhin ang mga salarin.

“We strongly condemn this senseless and cowardly ambush. We will not let this pass, and the Philippine National Police will respond with full force of the law,” pahayag ni PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr..

Dagdag pa ni Nartatez, nakikipag-ugnayan na ang PNP sa militar upang palakasin ang seguridad sa buong BARMM at maiwasan ang karagdagang karahasan.

Kinilala ang mga biktima na sina Corporal Walid Buleg Sangcopan at isang sibilyan. Sakay sila ng gray na Toyota Innova nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa isang liblib na highway sa Barangay Paglamatan, Saguiaran, Lanao del Sur bago mag-umaga noong Sabado.

Naganap ang insidente ilang oras matapos ang hiwalay na ambush sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur, kung saan limang pulis ang nasawi at tatlo ang sugatan.

Ayon sa PNP, posibleng may kinalaman ang isang lokal na terror group sa ambush sa Maguindanao, kasunod ng mga operasyong pulisya na ikinamatay ng ilang miyembro nito sa mga nakaraang buwan.

Sinabi ni Nartatez na tuloy-tuloy ang operasyon upang matukoy at mahuli ang mga nasa likod ng dalawang pag-atake. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here