Home NATIONWIDE Higit 8,000 sundalo sasabak sa “Salaknib” military drills sa Luzon

Higit 8,000 sundalo sasabak sa “Salaknib” military drills sa Luzon

198
0

MANILA, Philippines – Mahigit 8,000 sundalo mula sa Pilipinas, Estados Unidos, Australia, Japan, at New Zealand ang lalahok sa “Salaknib” military exercises na gaganapin mula Abril 6 sa Northern at Central Luzon.

Ayon sa Philippine Army, pinakamalaki ang bahagi ng Pilipinas at Estados Unidos sa naturang drills, habang ito rin ang unang pagkakataon na sasali ang Japan at New Zealand.

Tutuon ang pagsasanay sa maritime at territorial defense, humanitarian assistance and disaster response, at amphibious operations. Magkakaroon din ng live-fire exercises.

Gaganapin ang mga aktibidad sa mga lugar tulad ng Fort Magsaysay sa Nueva Ecija at iba pang bahagi ng Pangasinan at La Union.

Ayon sa militar, layunin ng “Salaknib” na palakasin ang kooperasyon ng mga bansang kalahok at ang kakayahan sa depensa at pagtugon sa mga sakuna. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here