Home NATIONWIDE 15 tsuper nagpositibo sa surprise drug test sa Visayas

15 tsuper nagpositibo sa surprise drug test sa Visayas

143
0

CEBU CITY / ILOILO CITY – Aabot sa 15 Public Utility Vehicle (PUV) drivers ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga sa magkahiwalay na surprise drug tests sa Central at Western Visayas nitong Lunes, Marso 30, ayon sa mga awtoridad.

Sa Cebu City, siyam na driver—apat na taxi driver at limang bus driver—ang nagpositibo mula sa 412 na driver at konduktor na sumailalim sa random testing sa North at South Bus Terminals, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas.

Bahagi ito ng “Oplan Harabas: Project Huli-Week” na naglalayong tiyakin ang kaligtasan ng mga biyahero ngayong Semana Santa.

Binigyang-diin ni Joel Plaza ang panganib ng paggamit ng droga sa hanay ng mga driver.

“What we want to emphasize is that drugs are harmful. These should stop especially when they provide services to the people that involve safety,” ani Plaza.

Ayon naman kay Wendel Dinglasan ng Land Transportation Office, mahigpit ang parusa sa mga lalabag.

“If tested positive, that’s automatic revocation without prejudice to other penalties and punishment from the police and courts,” ani Dinglasan.

Samantala, sa Western Visayas, anim na PUV driver ang nagpositibo sa hiwalay na operasyon na sumaklaw sa 822 driver sa iba’t ibang terminal sa Antique, Capiz, Aklan, at Iloilo.

Ayon kay Maria Graziella Tanaleon, lima ang nagpositibo sa hinihinalang paggamit ng shabu habang isa ang nagpositibo sa marijuana.

“This is a unified effort of government agencies to ensure a safe, drug-free, and orderly travel experience for all commuters this Holy Week,” ani Tanaleon.

Sinabi ng mga awtoridad na sasailalim pa sa confirmatory testing ang mga sample.

Posibleng bawiin ang lisensya ng mga driver na magpo-positibo sa final result, at maaari ring humarap sa karagdagang kaso. Sa Western Visayas, kinumpiska na ang lisensya ng mga nagpositibo habang hinihintay ang kumpirmasyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here