Home METRO Grad fee ng 8,000 studes, sasagutin ng Markina LGU

Grad fee ng 8,000 studes, sasagutin ng Markina LGU

138
0

MARIKINA CITY – Sasagutin ng pamahalaang lungsod ng Marikina City ang lahat ng gastusin sa pagtatapos ng humigit-kumulang 8,000 estudyante sa pampublikong paaralan ngayong taon, sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing bilihin.

Saklaw ng programa ang mga magtatapos sa Grade 6 at senior high school, kung saan magbibigay ang lokal na pamahalaan ng libreng toga, graduation pictures, entablado, ilaw at sound system, at meryenda para sa mga estudyante at kanilang pamilya.

Ayon kay Mayor Maan Teodoro, layunin nitong gawing makabuluhan ang pagtatapos nang hindi nadadagdagan ang gastusin ng mga magulang.

“Bilang nanay, alam ko kung gaano ka-special ang araw na ito, hindi lang para sa mga bata, kundi para sa buong pamilya,” aniya.

“Kaya sa Marikina, sinisigurado natin na ang tagumpay ng bawat estudyante ay hindi dagdag gastos sa mga magulang,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin din ng alkalde na ang pokus ng okasyon ay ang pagdiriwang.

“Para sa araw na ito, ang focus lang ay mag-celebrate. Walang iniisip na gastos, puro saya lang kasama ang pamilya. Simpleng alaga, pero malaking ginhawa. Congratulations, graduates!,” aniya.

Magkakaloob din ang lungsod ng libreng laptop para sa top graduating student, habang tablets naman ang ibibigay sa ikalawa at ikatlong may pinakamataas na marka.

Samantala, pinuri rin ng mga transport worker ang lokal na pamahalaan sa suporta nito sa gitna ng pagtaas ng presyo ng krudo. Mahigit 9,000 public utility vehicle drivers—kabilang ang motorcycle taxi, delivery service, at jeepney drivers—ang tumanggap ng tig-₱5,000 na tulong mula sa Department of Social Welfare and Development.

Nagpasalamat din ang mga benepisyaryo kina Mayor Teodoro at Marcy Teodoro sa maayos na distribusyon at dagdag na suporta tulad ng libreng pagkain, kape, tubig, at grocery packs. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here