Home NATIONWIDE Mga dumagsang pasahero sa mga pantalan ngayong Semana Santa tumaas ng 8%...

Mga dumagsang pasahero sa mga pantalan ngayong Semana Santa tumaas ng 8% kumpara noong 2025

152
0

MANILA, Philippines – Ibinahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) na mas mataas ang bilang ng mga dumagsa na mga pasahero sa mga pantalan ngayong taon kumpara noong nagdaang Semana Santa.

Sa pagpapatuloy ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2026, sinabi ni PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab na umabot na sa 1.7 milyong pasahero ang dumagsa sa mga pantalan simula noong ika-28 ng Marso hanggang ika-1 ng Abril 2026.

Mas mataas ito ng walong porsiyento kumpara noong 2025.

Karamihan aniya sa bilang na ito ay na-monitor sa Cebu, Iloilo, Aklan, Batangas, at Oriental Mindoro o mga probinsyang kilala bilang “tourist destination.”

Sa panayam, hinikayat din ng PCG Spokesperson ang publiko na i-report sa “E-SUMBONG” ang mga kolorum na sasakyang pandagat at huwag tangkilikin ang mga ito para sa kanilang kaligtasan ngayong Mahal na Araw.

Inaasahan pang tataas ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan ngayong araw hanggang bukas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here