MANILA, Philippines – Ipinakilala ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules, Abril 1 ang mahigit 5,000 bagong biling kagamitan kabilang ang mga sasakyan at operational gear sa pagpapalakas ng police visibility at pagtugon sa buong bansa.
Idinaos ang blessing ceremony sa Camp Crame in Quezon City, na pinangunahan ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.
Ani Nartatez, ang bagong kagamitan ay tutugon sa kapabilidad ng mga nagpapatrol at unit sa pagsugpo sa focus crime.
Aniya, ang mga kagamitan ay agad na ipakakalat sa iba’t ibang unit sakto sa inaasahang dagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa, bakasyon at ASEAN meetings.
“This will be dispatched immediately…not only for tourist police units but it is also earmarked to be used for crime prevention, visibility, and various operations,” sinabi ni Nartatez.
Ibinahagi rin ni Nartatez ang planong palakasin ang police capability sa susunod na anim na buwan kabilang ang pagbili ng nasa 700 karagdagang motorsiklo at body-worn cameras na may radio communication features mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
“This is a continuing one. We have P2 billion funds. Laging nire-release iyan every year.”
“We have crafted a proposal that is a capability enhancement program, mas in-enhance pa. Pinogram natin iyan in the next five years or 10 years, amounting to P112 billion. Iyon, medyo ideal na ang ating police force,” dagdag pa. RNT/JGC