Home NATIONWIDE Provincial government ng Surigao del Sur nagpatupad ng protocol vs paggamit ng...

Provincial government ng Surigao del Sur nagpatupad ng protocol vs paggamit ng kuryente, gasolina

143
0

MANILA, Philippines — Nagpatupad ng cost-saving protocols ang pamahalaang panlalawigan ng Surigao del Sur upang mabawasan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Provincial Administrator John Vincent Pimentel, aprubado na ang mga panuntunan na sumasaklaw sa lahat ng opisyal at tanggapan ng lalawigan.

Kabilang sa mga hakbang ang mahigpit na limitasyon sa official travel, kung saan papayagan lamang ang mga biyahe na hindi maaaring gawin sa pamamagitan ng virtual meetings o electronic communication.

Hindi na rin papayagan ang mga biyahe na walang sapat na dahilan o lumalagpas sa itinakdang tagal ng aktibidad.

Pinahihintulutan lamang ang mga mahalagang lakad tulad ng onsite evaluations, campaign activities, at mandatory accreditation—at limitado lamang ang bilang ng mga sasama.

Hinihikayat din ang mga tanggapan na idaos sa loob ng lalawigan ang mga meeting, seminar, at training, at gumamit ng virtual participation upang makatipid sa gastos sa biyahe.

Ipinatupad din ang trip consolidation upang mabawasan ang paggamit ng sasakyan, habang inaatasan ang mga driver na dumaan sa pinakamabilis at hindi masikip na ruta.

Samantala, nilinaw na mananatiling normal ang operasyon ng mga kritikal na tanggapan tulad ng mga ospital, kulungan, disaster response units, at supply chain services upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa publiko.

Nauna nang naglabas si Governor Johnny Pimentel ng kautusan para sa compressed workweek, kung saan papasok ang mga empleyado mula 7 a.m. hanggang 6 p.m. tuwing ikalawa at ikaapat na linggo ng buwan.

Layunin ng mga hakbang na ito na mapanatili ang episyenteng serbisyo habang tinutugunan ang krisis sa enerhiya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here