Home NATIONWIDE Obispo sa mga pari: Parokya ‘di kapangyarihan o prebilihiyo ng sinuman

Obispo sa mga pari: Parokya ‘di kapangyarihan o prebilihiyo ng sinuman

138
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ng isang Obispo na ang parokya ay hindi kapangyarihan, pag-aari, o pribilehiyo ng sinuman kundi isang larangan ng tapat na paglilingkod sa sambayanan ng Diyos.

Sa kanyang homiliya sa Misa ng Krisma sa Antipolo Cathedral, pinaalalahanan ni Bishop Ruperto Santos ang mga pari na ang kanilang pagtatalaga sa parokya ay hindi para sa pansariling interes kundi upang ipagpatuloy ang misyon ni Kristo sa paglilingkod.

Binigyang-diin ng Obispo ang panganib ng pag-aangkin sa parokya at anumang uri ng paggamit nito para sa pansariling kapakinabangan, at iginiit na ang simbahan ay ipinagkatiwala lamang sa pangangalaga at pagpapastol ng mga pari.

Hinimok din niya ang kaparian na pagbutihin ang kanilang paglilingkod sa pamamagitan ng maayos na asal, pananalita, at pakikitungo sa kanilang nasasakupan.

Ipinaalala rin ng Obispo ang kahalagahan ng pagsunod at kahandaang tanggapin ang anumang paglilipat bilang bahagi ng kanilang bokasyon, bilang tanda ng katapatan sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Ayon sa Obispo, ang misyon ng Simbahan ay hindi pananatili sa kaginhawaan kundi ang paglabas upang ipahayag ang Mabuting Balita, kahit pa nangangailangan ito ng sakripisyo.

Tinuligsa rin niya ang labis na pagkiling sa kaginhawaan at pansariling kapakanan, at iginiit na ang paglilingkod sa parokya ay nangangailangan ng malasakit at sakripisyo.

Dagdag pa ng obispo, ang tunay na yaman ng Simbahan ay hindi materyal kundi espiritwal—ang presensya ni Hesus sa Santisimo Sakramento—at ang parokya ay higit sa lahat ay ang sambayanan ng Diyos. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here