Home METRO 27 durugista timbog sa P270K tobats sa Bulacan buy-bust ops

27 durugista timbog sa P270K tobats sa Bulacan buy-bust ops

130
0

Bulacan – Arestado ang 27 indibiduwal habang nakasamsam ng mahigit P270,000.00 halaga ng iligal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operations ng pulisya sa lalawigang ito nitong Marso 31 at Abril 1.

Sa ulat ni PLTCOL Restituto Granil, hepe ng Plaridel police station, pitong indibiduwal na nahuli sa aktong pagbebenta ng hinihinalang shabu ang kanilang naaresto bandang 3:00 ng madaling araw ng Abril 1 sa Brgy. San Jose.

Nabatid sa isinagawang body search sa mga suspek, nakumpiska ang kabuuang pitong sachets ng hinihinalang shabu na tumimbang ng 10 gramo na aabot sa halagang P68,800.00 at buy-bust money.

Samantala, sa ulat ng hepe ng Meycauayan, Baliwag, Hagonoy, Santa Maria, Pandi, San Miguel, Balagtas at Doña Remedios Trinidad police station, nasa 20 drug suspects ang kanilang naaresto, nakahuli ng aabot sa 29.84 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P202,912.00 at buy-bust money.

Ang mga naarestong suspek at nakumpiskang mga ebidensiya ay dinala sa Bulacan Forensic Unit para sa pagsusuri habang inahahanda ang kasong paglabag sa Republic Act (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa kanila. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here