Home NATIONWIDE 300K inbound, outbound passengers naitala sa mga pantalan noong Biyernes Santo

300K inbound, outbound passengers naitala sa mga pantalan noong Biyernes Santo

102
0

MANILA, Philippines – Namonitor ng Philippine Coast Guard ang kabuuang 147,035 outbound passengers at 146,691 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa bansa noong Biyernes Santo.

Iniulat ng PCG na 16 PCG Districts ang nakapagsagawa ng inspeksyon sa 1,635 barko at 2,657 motorbanca.

Nakataas pa rin ang heightened alert sa lahat ng distrito, istasyon at sub-station ng PCG mula noong Marso 28, 2026 hanggang ngayong Linggo, Abril 5 para sa dagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.

Samantala, iniulat din ng PCG na nakapagtala ito ng 60,492 outbound passengers at 49,574 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa buong bansa mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali ng Sabado de Gloria.

Nakapag-inspeksyon naman ang 16 PCG Districts ng 574 barko at 1,828 motorbanca sa nasabing araw.

Sa hiwalay na report, tumugon din ang PCG sa near drowning incidents kabilang ang 22-anyos na lalaki sa Barangay Maura, Aparri, Cagayan; 38-anyos na lalaki sa Barangay Centro 1, Claveria, Cagayan; 36-anyos na lalaki na nagtangkang lumangoy kahit lasing sa baybayin ng Southern Philippine Agri-Business and Marine and Aquatic School of Technology (SPAMAST), Davao Occidental.

Mayroon ding namataang lalaking lango sa alak ang naliligo mag-isa sa breakwater area ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Brgy. Talao-Talao, Lucena City.

Nagpaabot din ng tulong ang PCG sa isang turista na nakaranas ng medical emergency habang sakay ng motor banca patungong Sepok Island, Tingloy, Batangas. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here