Home METRO Nanay nilaslasan ng leeg ng asawa; anak sugatan

Nanay nilaslasan ng leeg ng asawa; anak sugatan

233
0

MANILA, Philippines – PATAY ang isang ginang habang sugatan ang anak na 15-anyos matapos na umano’y i-hostage ito at laslasan nang leeg ng naburyong na mister sa Angono, Rizal nitong Sabado, Abril 4.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PRO4A-Regional Director P/BGen. Hansel Marantan, kinilala ang nasawi na si Ma. Lourdes Santos, nasa hustong gulang at sugatan naman ang isa sa dalawang anak na si Dwayne, 15-anyos at nilalapatan na ng lunas sa Angono ospital.

Hindi naman nasaktan ang isa pang anak nito na si Kyle, 12-anyos.

Isinugod din sa ospital ng mga tauhan ng rescue team ang sugatang suspek na nagsaksak umano sa sarili na si alyas Jeremy, mister at suspek ng nasawing misis.

Batay sa ulat, nangyari ang brutal na krimen dakong 8:15 ng umaga ng Abril 4, sa mismong tahanan ng mga biktima sa Blk. 15, Isabel Subd., Mahabang Parang sa nabanggit na bayan.

Dakong alas-11:30 nang rumesponde ang beat patrol kasama ang COP ng Angono MPS at SWAT Team mula sa RPMFC, kasama rin si Rizal PD, PCOL ELEAZAR BARBER.

Agad isinugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival sanhi ng laslas sa leeg ang biktimang si Lourdes ayon kay Dr. Sir Deo Lindo.

Natagpuan naman ng mga awtoridad ang suspek na nakahandusay sa banyo na agaran ding isinugod ng ambulansya sa pagamutan.

Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang Angono PNP, kung ano ang tunay na motibo sa brutal na krimen.

Kasong parricide ang isasampang kaso ng mga awtoridad laban sa akusado. Maritess Pumaras

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here