Home NATIONWIDE 48 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa CDO

48 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa CDO

149
0

MANILA, Philippines – Nasa 48 pamilya ang nawalan ng tirahan nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Pinikitan, Barangay Camaman-an, Cagayan de Oro City nitong gabi ng Biyernes Santo, Abril 3.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), sumiklab ang sunog bago mag-alas 10 ng gabi at itinaas sa ikatlong alarma.

Idineklarang fire out ang sunog 2:50 ng madaling araw ng Sabado, Abril 4.

Narinig umanong nag-aaway ang mag-asawa bago magsimula ang sunog.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang tunay na sanhi ng sunog ngunit tinitingnan din ang posibleng pagsabog ng isang butane canister.

Tinatayang mahigit P300,000 ang pinsala sa sunog.

Magpapaabot naman ng tulong ang mga tauhan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa mga apektadong pamilya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here