Home HOME BANNER STORY Gang leader na nanggulo sa Trillion Peso March arestado sa robbery, homicide

Gang leader na nanggulo sa Trillion Peso March arestado sa robbery, homicide

193
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang umano’y gang leader na iniuugnay sa riot noong 2025 Trillion Peso March.

Ang suspek na kinilalang si alyas “Primo” ay nahuli sa Nueva Ecija dahil sa hiwalay na criminal charges.

Siya ay pinaniniwalaang lider ng Temple Street Gang, kung saan kabilang sa mga inaresto ang mga miyembro nito dahil sa panggugulo sa nakaraang kilos-protesta.

“Ang possible role niya, of course, siya kasi yung lumalabas na leader doon sa gang na iyon. Wala kasi kaming nakalap na ebidensya na nandoon siya mismo sa lugar,” sinabi ni NCR Police Office (NCRPO) Regional Director Police Major General Anthony Aberin.

“Pero bilang leader, dapat accountable siya sa actions ng kanyang grupo, at pinaniniwalaan naming may kaalaman siya sa mga pangyayari noong September Trillion Peso March,” dagdag pa niya.

Nilinaw ni Aberin na si alyas Primo ay inaresto sa bisa ng warrant sa robbery with intimidation at homicide, at hindi dahil sa direktang kaugnayan niya sa protest riots.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay nagtago ng 12 taon bago tuluyang maaresto sa Guimba, Nueva Ecija.

“Napakahalaga ng pagkakaaresto sa kanya dahil isa siyang lider ng isang gang at may kinalaman sa iba’t ibang kaso,” ani Aberin.

Si Alyas Primo ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad at kumakalap ng mga ebidensya na mag-uugnay din sa kanya sa riot noong Trillion Peso March. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here