Home NATIONWIDE White House humihirit ng $1.5T defense budget

White House humihirit ng $1.5T defense budget

139
0

UNITED STATES – Humirit ang White House sa Kongreso ng Estados Unidos ng $1.5 trillion na defense budget para sa 2027.

Ito ay kasabay ng tumataas na gastos sa digmaan laban sa Iran at lumalawak na security commitments ng bansa.

Ayon sa ulat, tataas ng mahigit 40% ang pondo ng Pentagon, ang pinakamalaking pag-akyat mula pa noong World War II, upang masuportahan ang operasyon militar at mapunan ang nauubos na armas at kagamitan.

Tinatayang umaabot sa $2 bilyon kada araw ang gastos ng US sa digmaan sa Iran, base sa ulat ng US media, dahilan para lalong mabigatan ang pondo ng gobyerno.

Upang matustusan ito, plano ni US President Donald Trump na magbawas ng humigit-kumulang $73 bilyon sa non-defense spending, kabilang ang ilang social programs, na aniya’y maaaring ipasa na lamang sa mga estado.

“It’s not possible for us to take care of day care, Medicaid, Medicare,” ani Trump, sabay diin na dapat unahin ang military protection sa panahon ng digmaan.

Agad namang kinontra ng mga Democrat ang panukala, iginiit na mas pinapaboran nito ang gastos sa militar kaysa sa pangangailangan ng mamamayan.

Hindi pa pinal ang budget proposal at dadaan pa ito sa deliberasyon ng Kongreso, kung saan maaaring amyendahan o tuluyang harangin ng mga mambabatas.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa higit $39 trillion ang kabuuang utang ng Estados Unidos, habang patuloy ang pangamba sa paglaki pa ng depisito dahil sa planong pagtaas ng military spending. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here