Home METRO Ex-OFW na naging tulak kalaboso sa Bataan

Ex-OFW na naging tulak kalaboso sa Bataan

125
0

MANILA, Philippines – Hindi na nakapalag pa nang makorner ng mga awtoridad ang isang lalaki na dating Overseas Filipino Worker (OFW) na naging tulak umano ng ipinagbabawal na droga na ilang beses nang nakulong matapos masakote ito sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Barangay New San Jose, Dinalupihan.

Batay sa ulat ni Dinalupihan Municipal Police Station Chief of Police Lt.Col. Bjorn John Labos, kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si alyas “Kuting”, 42 anyos na residente sa naturang lugar.

Sa ulat, nakatanggap ng reklamo ang mga awtoridad hinggil sa umano’y talamak na iligal na gawain ng suspek nakaperhuwisyo sa nabanggit na lugar.

Bitbit ang isang Search Warrant (SW) mula sa Korte, sinalakay at hinalughog ng mga awtoridad ang bahay ng suspek kung saan naaktuhan umanong nag-iingat ang suspek ng ipinagbabawal na droga.

Narekober sa bahay ng suspek ang pitong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 17.9 gramo na may standard drug price na higit P121,000.

Balik kulungan ulit ang suspek na ilang beses na rin umanong nakulong sa parehong kaso ng iligal na droga.

Muling mahaharap ang suspek sa kasong paglabag Republic Act 9165 o mas pinaigting na Dangerous Drug Law. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here