Home NATIONWIDE 18 turista inilikas sa grass fire sa Mt. Kabunian sa BenguetNATIONWIDETOP STORIES 18 turista inilikas sa grass fire sa Mt. Kabunian sa BenguetApril 5, 2026 14:481210 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Inilikas ang 18 turista sa grass fire sa Mt. Kabunian, Bakun, Benguet.Ayon sa ulat, ang mga turista ay nasa bundok nang magsimula ang sunog noong Huwebes Santo.Wala namang iniulat na nasaktan sa insidente.Sa inisyal na imbestigasyon, ang sunog ay dahil sa mainit na panahon.Pansamantalang sinuspinde ng lokal na pamahalaan ang hiking at trekking activities sa naturang bundok.Samantala, sumiklab naman ang hiwalay na wildfire sa Mt. Lamesang Bato sa Batangas.Tumagal ito ng limang oras at umabot sa unang alarma bago tuluyang naapula.Wala namang nasaktan sa insidente.Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at lawak ng pinsala nito. RNT/JGC