Home NATIONWIDE Faith-based rehab sa mga PDL isinusulong ng BuCor

Faith-based rehab sa mga PDL isinusulong ng BuCor

110
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Sabado, Abril 4 na aktibo nitong isinusulong ang faith-based rehabilitation programs bilang bahagi ng restorative rehabilitation para sa persons deprived of liberty (PDLs).

Ayon sa BuCor, layon ng faith-based approach na suportahan ang pagbabago ng katayuan ng mga inmate, at i-promote ang pagyaman ng kanilang katauhan sa pamamagitan ng espirituwal na paglago.

Sinabi ng ahensya na ang mga ito ay ibinahagi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. sa kanilang paglahok sa International Research in Corrections Conference na ginanap sa Auckland, New Zealand.

Isa sa napansin ni Catapang sa mga presong lumahok sa faith-based programs ay ang mas mabilis na paglago ng mga ito kumpara sa mga hindi lumahok sa ganitong inisyatiba.

“Their increased religious involvement — particularly their enhanced relationship with Jesus Christ and active participation in religious practices — contributed to this positive transformation,” ani Catapang.

Nagpakita rin umano ng mababang tendency sa agresibong galaw ang mga inmate na lumahok sa restorative rehabilitation laban sa mga preso na nagkakasala sa kanila. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here