ECHAGUE, Isabela — Himas rehas ang tinaguriang Top 7 Most Wanted Person sa region 02 sa kasong panggahasa matapos maaresto ng pulisya sa Purok 3, Brgy. Tuguegarao, Echague, Isabela.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Del”, 53 anyos, may-asawa, construction worker at residente ng nasabing lugar.
Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay naaresto ng mga operatiba ng Tracker Team ng Echague Municipal Police Station (lead unit), katuwang ang mga RIU 2 CIT-Santiago City, 2nd IPFMC, PIU-IPPO, PIDMU-IPPO, at 205th Maneuver Company ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 24, Second Judicial Region, Echague, Isabela na dalawang ulit na panggagahasa na walang inirekomendang piyansa.
Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. REY VELASCO