MANILA, Philippines – Nauwi sa malagim na trahedya ang masaya sanang outing ng isang mag-anak makaraang malunod ang dalawang mag-utol na teenager habang naliligo sa malalim na parte ng dagat nitong Sabado de Gloria, Abril 4 sa Sitio Fuerte, Poblacion, Morong, Bataan.
Nabatid sa ulat ng pulisya na nasa eded 17 at 18 ang magkapatid na biktima nang pagkalunod na pawang taga-Valenzuela City na dumayo para mag-swimming sa naturang lugar.
Dead on arrival ang mga biktima sa pagamutan. ROEL TARAYAO